Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados, pinaiiwas muna sa social media

174

Pinayuhan ng fashion designer na si Albert Andrada si Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados na itigil muna ang pagbababad sa social media.

Ayon kay Andrada – dapat mag-concentrate si Ganados sa kaniyang game plan para hindi malason ng mga bashers ang kaniyang utak.


Aniya, tatlong linggo na lang bago ang pageant, marami pa ring nagbibigay ng opinyon kung paano maiuuwi ni Gazini ang korona.

Kumpiyansa naman ang fashion designer na may ibubuga sa coronation si Gazini.

Ang Miss Universe 2019 Coronation ay magagap sa December 9 sa Atlanta, USA.

Facebook Comments

From Advertisers