Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo at Neil Salvacion, kumpirmadong hiwalay na… Neil, may pakiusap sa mga netizen!

92

“We’re not together anymore!”

Ito ang naging kumpirmasyon ni Neil Salvacion sa kanyang Instagram story na hiwalay na sila ng nobya niyang si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.


Ayon kay Neil, nakapag-usap sila ng matiwasay ni Rabiya at naging maayos ang kanilang desisyon sa bawat isa.

 

Aniya, kahit hiwalay na sila ng beauty queen ay nananatili silang masaya sa kani-kanilang mga buhay.

Say pa ni Neil, naniniwala siya na gabay pa rin ng Panginoon sa kanilang dalawa ang paghihiwalay nito.

Samantala, nakiusap naman si Neil sa mga basher na iwasan na ang pambabash at pagsabi ng mga negatibong komento sa kanila ng dating nobya.



Sinabi ni Neil na wala raw dapat ipaliwanag si Rabiya sa mga netizen.


Nanawagan rin siyang maging positibo at magbigay ng respeto sa kapwa.

Dagdag pa niya, magmahalan tayong lahat at magpatuloy sa buhay.

Si Neil ay ang anim na taong karelasyon ni Rabiya na kaniyang nakilala noong sila ay parehong nasa kolehiyo sa Iloilo City.

Facebook Comments