Kalibo, Aklan – Isang panibagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa probinsya ng Aklan kung saan galing ito sa isang personnel ng Philippine Coast Guard nan aka assign sa Caticlan Jetty Port.
Base sa official statement na ipinalabas ng Provincial Health Office (PHO) Aklan, ang pasyente ay 25-anyos na babae at taga Batan, Aklan.
Sa record ang pasyente ay bumiyahe papuntang Iloilo galing Caticlan noong Hulyo 1 para pumunta sa kanilang Regional Office at nag stay ng dalawang araw sa isang boarding house doon.
Sumailalim ito sa Rapid Antibody test at negatibo ang resulta.
Hulyo 3, muling bumiyahe papuntang Maynila ang pasyente sakay mismo ng barko ng Philippine Coast Guard.
Hulyo 4, ay sumailalim ito sa RT-PCR Test at lumabas ang resulta noong Hulyo 7 kung saan positibo ito sa COVID-19.
Ang nasabing pasyente ay asymptomatic at sa ngayon ay naka facility quarantine na sa Capaz, Tarlac.
Samantala, natanggap naman ng Provincial Health Office (PHO) Aklan ang resulta Hulyo 11, 2020 ng gabi.
Sa ngayon ay nagsagawa na ng contact tracing mula sa mga nakasalamuha nito sa Caticlan at sa Iloilo.
Miyembro ng Philippine Coast Guard na naka-assign sa Caticlan Jetty Port, nag positibo sa COVID-19
Facebook Comments