MIYEMBRO NG PHILIPPINE MARINES, PATAY SA AKSIDENTE SA BAYAN NG AGNO

Namatay sa aksidente sa bayan ng Agno ang Isang miyembro ng Philippine Marines.
Ang biktima ay nakilalang si Sgt. Michael Naveda Nebran residente ng Brgy. Boboy sa nasabing bayan at naka assign sa headquarters ng Philippine Marines sa Cavite.
Lumalabas sa imbestigasyon na sakay ng kanyang big bike ang biktima pasado alas tres ng hapon sa kanilang Barangay ng bigla itong mawalan ng kontrol sa manibela ng kanyang Motor dahilan upang matumba ito at tumama sa semento.

bunsod nito ay nagtamo ng matinding sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan subalit idineklarang Dead on Arrival.
Napag alaman din na walang suot na helmet ang biktima nang maganap ang aksidente. |ifmnews
Facebook Comments