MMC, nagkasundo na ipanatili ang GCQ sa Metro Manila hanggang December 31, 2020

52

Inihayag ni Metropolitan Manila Development Authority o MMDA General Manager at spokesperson ng Metro Manila Council (MMC) Jojo Garcia na nagkasundo ang mga miyembrong Mayor nito na manatili sa General Community Quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR).

Ayon kay Garcia, mas mainam aniya ito kumpara sa luluwagan ang quarantine status sa NCR tapos aakyat muli ang kaso ng COVID-19.


Kung sakaling ganito aniya ang sitwasyon, mas mahirap na muling ibalik sa GCQ.

Aniya kung nasa GCQ ang NCR, kaya rin naman mag-adjust ang mga lungsod nito kaugnay sa mga hakbang sa ekonomiya.

Dagdag pa niya, bumaba na ang bilang ng nagkakasakit ng COVID-19 sa Metro Manila kaya hindi hahayaan ng MMC na tumaas ulit ito ng dahil lang sa nag-Modified GCQ ang NCR.

Pero paglilinaw ni Garcia, ang MMC ay nagbibigay lang ng rekomendasyon sa IATF at ito pa rin at ang Pangulo ang magbibigay ng desisyon ukol dito.




Facebook Comments