MMDA at LTO, ibinigay ang kanilang listahan ng drivers na kasama sa Show Cause Order sa mga operator

Inihayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia na ibinigay na nila ang mga pangalan na kasama sa 2,500 na mga driver na may show cause order.

Layunin nito na mabigyan ng abiso ang mga operator kung sino sa mga driver nila ang maaaring hulihin dahil sa mga Multiple Traffic Violation.

Ito aniya ay isang pahiwatig na bawal na sila sa EDSA dahil huhulihin na sila sa darating na mga araw.


Sinabi rin ni Garcia na dapat hindi na magmaneho ang mga driver na pinadalhan ng show cause order dahil may kopya na ang operators ng bus ng mga pangalan na mayroon multiple traffic violation.

Sasama din ang Land Transportation Office (LTO) sa paghuli ng mga driver na kasama sa listahan ng 2,500 ng MMDA.

Pahayag ni Garcia, magtatalaga sila ng mga tauhan ng MMDA at LTO sa 40 Bus Dispatch Station upang suriin ang mga driver’s license ng mga ito.

Simula sa Lunes, bawal na sa EDSA ang mga driver na kasama sa show cause order.

Facebook Comments