MMDA Chair Benhur Abalos, inanunsyo na pinapayagan na ang sa mga outdoor exercises sa Metro Manila sa ilalim ng MECQ status

Inanunsyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chair Benhur Abalos na pinapayagan na ang outdoor exercises sa National Capital Region (NCR) sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ibig sabihin, tinatanggal na ang unang 6 to 9 AM time limitation na unang inanunsyo ni Abalos.

Sa inilabas na Inter-Agency Task Force (IATF) Omnibus Guidelines, simula August 19 ay pinapayagan na ang mga indibidwal na makapag-ehersisyo sa labas ng kanilang bahay.


Kabilang dito ang outdoor walks, jogging, running or biking.

Nilinaw sa alituntunin na ang outdoor exercises ay hanggang sa loob lang ng barangay, purok, subdivision o village kung saan nakatira ang indibidwal .

Kinakailangan ding sumunod sa minimum public health standards tulad ng pagsusuot ng face masks, at pagpapanatili ng social distancing.

Nasa pagpapasiya naman ng mga Local Government Unit (LGU) kung magtatakda ito ng mga limitasyon sa galawan ng tao o limitasyon sa oras ng mga outdoor exercises sa kanilang nasasakupan.

Facebook Comments