
Hindi makakaapekto sa estratehiya ng depensa, ito ang pahayag ni Defense Counsel Atty. Michael Poa sa paglabas ng show cause order laban sa tagapagsalita ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Paolo Panelo.
Nabatid na nag-isyu ng show cause order ang Senate Impeachment Court laban kay Atty. Panelo kasunod ng mga pahayag nito laban sa ilang mga senator judges na bias umano sa impeachment trial.
Ayon kay Atty. Poa, hindi nila nakikita na magiging hadlang ang naturang kautusan sa pagpapatuloy ng depensa sa impeachment proceedings ng bise presidente.
Paliwanag pa nito, hindi sakop ng sub judice rule ang tagapagsalita ni VP Sara kaya ang ginamit ng korte para rito ay ang Rule 71 ng Rules of Court at ito naman ay prerogatiba ng nasabing korte.
Kaugnay nito, tiniyak naman ni Atty. Paolo na tatalima ito sa nasabing kautusan kasabay ng paninindigan nito na ang kaniyang naging pahayag ay in good faith, hindi hadlang sa nagpapatuloy na paglilitis at protektado ng freedom of speech and expression.










