Most Wanted Person ng Sebaste MPS sa kasong murder, arestado matapos ang 24 taong pagtatago

Kalibo, Aklan – Naaresto ng mga otoridad ang isang Most Wanted Person kahapon Hunyo 9 matapos ang 24-anyos na pagtatago sa kabundukang sakop ng Barangay Yawan, Ibajay, Aklan. Kinilala ang akusado na si Dionito Tayco y Aquino alias “Aloy”, 65 anyos at residente ng Sitio Hawid-hawid, Barangay Mina-a sa nasabing bayan. Si Tayco ay inaresto ng mga taga Regional Intelligence Division 6, 2nd Aklan Provincial Mobile Force Company, Antique Police Provincial Office, Provincial Intelligence Unit, 2nd Company of the Regional Mobile Force Battalion 6 and Sebaste Municipal Police Station sa pamamagitan ng warrant of arrest sa kasong murder na may criminal case no. C-203 na inisyu ni Honorable Antonio Natino ng Regional Trial Court, 6th Judicial Region, Branch 13, Culasi, Antique na may petsang Enero 6, 1997. Walang piyansa na inirekomenda ang korte para kanyang pansamantalang kalayaan. Sa report, si Tayco ay sangkot sa nangyaring stabbing incident noong Mayo 29, 1995 mga ala 1:00 ng madaling araw sa Brgy. Nauhon, Sebaste, Antique kung saan sinaksak nito ang kanyang pinsan na ikinamatay nito. Matapos ang insidente ay nagtago ito sa kabundukang sakop ng Ibajay, Aklan. Si Tayco ay nakatakda namang i-turn over sa korte. [image: 📸]Prosix Rpio

Facebook Comments