Motorrider, sugatan matapos na sumalpok sa kotse sa QC

Nagtamo ng sugat sa paa ang isang motorrider matapos na sumalpok sa isang kotse habang binabagtas ang kahabaan ng eastbound lane ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Kinilala ang naka-motorsiklo na si Allan Miranda, 24-anyos.

Ayon kay Miranda, pauwi na siya sa kanyang tahanan sa Barangay North Fairview nang bigla siyang bumangga sa isang kotse na noo’y paliko naman sa U-turn slot.


Kwento naman ng driver ng kotse na si Jeric Dulyaga, magyu-U-turn sana siya nang makarinig ng malakas na kalabog sa likuran ng kanyang sasakyan.

Aminado naman si Miranda na mabilis ang kanyang pagmamaneho.

Napag-alaman din na galing sa inuman sa isang bar sa Tomas Morato ang motorrider bago nangyari ang aksidente.

Samantala, agad na nilapatan ng paunang lunas ng nag-rescue na mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) si Miranda habang tumulong sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko sa lugar ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD).

Facebook Comments