Motorsiklo naaksidente, mga sakay na-ospital

Balete, Aklan – Nagtamo ng bali (fracture) sa binti at braso ang dalawang sakay ng RUSI na motorsiklo matapos na maaksidente kagabi sa Sitio Tagaytay, Brgy. Feliciano, Balete, Aklan. Ang mga biktima ay kinilalang sina Christian Patricio, 27-anyos ng Brgy. Tinigao, Kalibo, backrider at Gerald Casong, 21-anyos ng Brgy. Guanco, Balete at sya ang driver. Ayon sa mga biktima na kahapon ay galing sa Guanco si Gerald at dinaanan si Christian sa Tinigao saka pumunta sila sa isang birthday sa Estancia, Kalibo. Pag-uwi ni Gerald ay nagpasama pa ito kay Christian sakay ng motorsiklo pero pagdating sa lugar sa pakurbada na bahagi ng kalsada ay dumulas ang gulong ng kanilang motorsiklo dahil sa maulan at naaksidente ang mga ito. Dahil dito bali ang kaliwang hita ni Christian at bali rin ang dalawang binti at kanang braso ni Gerald. Agad namang dinala ang mga ito sa hospital matapos na respondehan ng MDRRMO Balete at Balete PNP.

Facebook Comments