Motorsiklong nakarnap naibalik na sa may-ari

Naibalik na kahapon ng tanghali kay Rossolu Lauban Moson ang kanyang Honda 125 na XRM na kinarnap noong biyernes ng gabi sa de masenod street ng lungsod. Mismong si Police Station 2 Commander PCI Efren Salazar ang nagturn-over sa biktima makaraang itoy makuha niya sa Sultan Kudarat PNP matapos na inabandona ng mga suspect sa gilid ng daan ang naturang motorsiklo dahil naubusan ng gasolina. Labis naman ang kasiyahan ni Rossolu dahil hindi niya inakala nasa loob ng tatlong araw ay muling maibalik sa kanya ang nanakaw na motorsiklo.Hindi narin siya nagsampa ng kaso sa posibleng suspect na responsible sa pagtangay ng kanyang motorsiklo.Patuloy naman ang pagmonitor ng PP2 sa mga grupo ng carnapper sa lungsod makaraang makalabas ang nahuling carnapper matapos e atras ng complainant ang kaso sa nahuling nagkalikot ng motorsiklo sa barangay RH-5.

Facebook Comments