Lumagda sa isang Mutual of Understanding o MOU ang GPH-MILF CCCH para sa pagpapanatili ng tigil putukan kaugnay sa nalalapit na halalang pambarangay ngayong Mayo 14. Sa panayam ng RMN Cotabato DXMY kay 6th ID CMO Chief Lt.Col.Gerry Besana, ang naturang MOU ay magsisilbi umanong gabay para sa pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang panig para sa ceasefire related functions sa darating na election. Nakasaad sa MOU ang commitment ng bawat panig na magtulungan upang maging matahimik, matiwasay at mapayapa ang idaraos na halalan. Idinagdag pa ni Col.Besana, na ang MOU ay siyang susundin ng GPH-MILF kaugnay ng movements ng kanya-kanyang pwersa partikular sa panig ng gobyerno sa barangay election dahil ang kapulisan at AFP ang magbibigay ng seguridad sa kabuuan ng halalan. Ang paglagda ng dalawang panig ay ginawa sa Haedquarters ng International Monitoring Team o IMT dito sa Cotabato city noong araw ng biyernes.
MOU nilagdaan ng GPH-MILF kaugnay sa paparating na halalan
Facebook Comments