MRT-3, may handog na libreng sakay sa Araw ng Kalayaan

May handog na libreng sakay ang pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 para sa mga pasahero nito bukas, Hunyo 12.

Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-126 Araw ng Kalayaan.

Magsisimula ang libreng sakay sa peak hours ng operasyon mula 7:00 AM hanggang 9:00 AM at mula 5:00 PM hanggang 7:00 PM.


Tiniyak ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino na nakahanda ang rail line para makapagbigay ng maayos, ligtas, at maaasahang transportasyon bukas.

Facebook Comments