Tatlong indibidwal na may kinahaharap na kasong falsification ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon sa Calasiao at San Jacinto, Pangasinan noong May 25, 2026.
Unang naaresto bandang 11:14 ng umaga sa Poblacion West, Calasiao ang isang 89 anyos na babae mula Sta. Barbara, Pangasinan. Sinundan ito ng pagkakaaresto sa isang 55 anyos na negosyante.
Kapwa sila inaresto ng Calasiao Police Station sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Falsification of Public Document sa ilalim ng Article 172(1) ng Revised Penal Code, na may itinakdang piyansa na ₱36,000.
Samantala, bandang 12:22 ng tanghali, inaresto rin ng San Jacinto Police Station sa Barangay Capaoay ang isang 66 anyos na babae na umano’y personal secretary mula Barangay Sta. Maria, San Jacinto. Nahaharap siya sa kasong Use of Falsified Document sa ilalim ng Article 172(3) ng Revised Penal Code, na may piyansang ₱18,000.
Lahat ng mga naarestong indibidwal ay nasa kustodiya na ng kani-kanilang himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











