MALAWAKANG KALUSUGAN CARAVAN, MULING ILULUNSAD SA MGA BARANGAY SA SAN CARLOS CITY

Magbabalik ang malawakang Kalusugan Caravan upang magbigay ng libreng serbisyong medikal sa Barangay Pangoloan, San Carlos City, bukas Mayo 30, 2026.

‎Layunin ng programa na mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa komunidad sa pamamagitan ng libreng medical, pediatric, at prenatal check-up, kasama ang pamamahagi ng libreng gamot.

‎Kabilang din sa mga serbisyo ang laboratory tests gaya ng blood letting, cholesterol, uric acid, pap smear, blood typing, HIV testing, urinalysis, at fasting blood sugar.

‎Bukod rito, magkakaroon din ng iba pang serbisyo tulad ng dental services , ECG, chest X-ray, animal health services, at iba pang ancillary services.

Iginiit ng Pamahalaang Panglungsod na bukas para sa lahat ng residente mula sa barangay at kalapit lugar ang mga serbisyo para sa mas mabilis na access sa serbisyong pangkalusugan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments