Mandaluyong City – Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na matagal nang Absent Without Official Leave o AWOL ang naarestong medical officer na si Dr. Vanjoe De guzman sa buy-bust operation sa Mandaluyong City.
Sa pahayag, sinabi ng DOH-Metro Manila Center for Health Development na nagsimulang hindi pumasok si De Guzman noon pang November 2018.
Iginiit naman ng DOH-MMCHD na nadidismaya sila sa pagkakaaresto kay De Guzman.
Si De Guzman ay dating regular na empleyado ng DOH simula February 2015.
Ayon pa sa DOH-MMCHD, agad silang naglabas ng order of separation at nagpatupad ng disciplinary proceedings katuwang ang Civil Service Commission (CSC) para ma-dismiss sa serbisyo si De Guzman.
Pagtitiyak naman ng DOH-MMCHD na dumadaan ang lahat ng kanilang empleyado sa annual mandatory random drug testing.
Maliban kay De Guzman, naaresto pa ang anim na iba pa sa operasyon.