Nadine Lustre, may role sa pelikulang Pedro Penduko na pagbibidahan ng kaniyang boyfriend na si James Reid

Showbiz – Posibleng magkaroon ng cameo role ang aktres na si Nadine Lustre sa pelikulang Pedro Penduko na pagbibidahan ng kanyang boyfriend na si James Reid.

Ayon kay Nadine, bagama’t hindi pa siya sigurado ay posibleng Maria Makiling ang role na ibibigay sa kanya batay na rin sa sinabi ni bossing Vic Del Rosario ng VIVA Films.

Sinabi pa ng aktres na kahit anong role ang ibigay sa kanya sa naturang pelikula ay kanyang tatanggapin bilang suporta na rin sa kanyang kasintahan na si James.


Matatandaang noong nitong buwan lamang ay inanunsyo mismo ni James na siya na ang bagong gaganap bilang pinoy superhero na Pedro Penduko.

Sinabi rin ni James na nasimula na silang mag-taping sa nasabing pelikula na posibleng ipalabas sa senihan sa susunod na taon.

Facebook Comments