NAG-AALBURUTONG MAYON | Rescue at medical team ng PCG, nasa Albay na para tumulong sa mga apektadong residente

Albay, Philippines – Nasa Albay na ang team ng Philippine Coast Guard (PCG) na tutulong sa mga biktima ng bulkang Mayon.

Ayon kay Coast Guard Spokesperson Captain Armand Balilo, aayuda ang pwersa ng coast guard sa nasa 80,000 mga lumikas at nananatilin ngayon sa mga evacuation center sa lalawigan.

Kabilang dito ang mga medical teams at mga search and rescue units na may dalang mga gamot, face masks at rescue dogs.


Nakahanda na rin ang hospital ship ng coast guard upang maglayag patungo sa Albay sakaling kailanganin habang nagpapatauloy ang pagbuga ng usok at paglalabas ng pyroclastic materials ng bulkang Mayon.

Facebook Comments