Masamang epekto ng e-sabong, dapat pag-aralang mabuti habang suspendido ang operasyon nito

Isa si Senator Grace Poe sa lubos na sumang-ayon sa pagpapahinto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa operasyon ng e-sabong.

Sabi ni Poe, nararapat ang hakbang ng pangulo habang patuloy ang mga pag-aaral sa masamang epekto na dulot ng online sabong.

Giit ni Poe, buhay at pamilya ang dapat laging mas mahalaga.


Umaasa din si Poe, na sa pagpapahinto ng pangulo sa E-sabong ay mauunang matutukan ang pagbibigay ng hustisya sa lahat ng mga nawala sabungero at sa mga naulila nila.

Facebook Comments