Nagpanggap na Empleyado ng Office of the President at Nanloko ng Isang Opisyal na Pulis, Pinabulaanan!

Cauayan City, Isabela – Pinabulaanan ni Robert Fuentes Layam ng Cauayan City na umanoy nagpanggap siya na empleyado ng office of the president at nanloko ng isang opisyal na pulis.

Nagsadya mismo sa RMN Cauayan si ginoong Layam upang magbigay ng pahayag sa pina-blotter ni Police Senior Inspector Robert Viernes sa Cauayan City Police Station.

Nilinaw ni Layun na hindi umano siya humiling ng anumang kapalit sa inilapit na pabor ni Viernes kundi kusa umanong nagpadala ng baboy at bigas bago ang araw ng kaarawan niya noong March 31, taong kasalukuyan at sinabi umano na iyon ay regalo lamang sa kaniya.


Aniya hindi siya nagtatago sa kapulisan dahil mas mainam umano na magkita nalang sila sa korte at doon harapin ang inireklamo sa kaniya.

Sa katunayan umano ay may subpoena na siya sa reklamo ni Viernes at tumanggi sa imbitasyon sa kaniya na pumunta sa himpilan ng pulisya dahil iniingatan lamang niya ang kaniyang kaligtasan.

Matatandaan na inireklamo ni Police Senior Inspector Viernes si Robert Fuentes Layun na umanoy nagpanggap na empleyado ng office of the president, maraming kilala sa NAPOLCOM at humingi ng pera na nagkakahalaga ng mahigit siyamnapung libong piso bilang kapalit sa hiniling niyang pabor na dalhin sa NAPOLCOM ang hinggil sa kaso niyang administratibo.

Samantala si Police Senior Inspector Reynaldo Viernes ay dating Chief of Police ng PNP Luna, Isabela na ngayon ay nasa operation ng Isabela Police Provincial Office, na ayon sa kaniya ay kumpleto siya ng ebidensya laban kay Layam at sa korte na lamang sila magharap.

Facebook Comments