NAGPATIWAKAL | Isang babae, tumalon sa isang gusali

1279

Manila, Philippines – Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang dahilan ng pagpapakamatay ng isang babae makaraan itong tumalon sa isang gusali sa Quezon City.

Nakilala ang babaeng biktima na si Kristine Obedoza na residente ng East Fairview sa nasabing lungsod.

Sa ulat, unang munang tumingin ng unit ang biktima sa Vitoria Towers sa Mother Ignacia.

Mula sa 6th floor ay nagpasama siya sa agent hanggang sa unit sa 18th floor dahil gusto nito nang mas mataas at mayroong balkon na walang harang.

Nang nakaakyat na sa 18th floor, nagpaalam ang agent sa babae na kukunin muna nito ang susi sa penthouse sa 19th floor.

Huli na nang makita niyang nasa balkon na ang babae at bigla itong tumalon.

Facebook Comments