Manila, Philippines – Maghaharap ng reklamo sa Food and Drugs Administration ang kumpanyang Ashitaba Tea laban sa dati nitong manufacturer na Philherbs dahil umano sa paninira at paggawa nito ng pekeng Ashitaba products.
Ayon kay Adela Ang na siyang nagmamay-ari ng produkto, isusumite nila ang mga dokumento na magpapatunay na sila ang tunay na herbal product at pawang malunggay leaves lang ang ginagamit ng Philherbs nang humiwalay ito sa kanila at gumawa ng sariling produkto
Sinabi naman ni Ret. Gen. Allen Bantolo ng FDA na may isinampang kaso ang Philherbs laban sa Ashitaba Tea noong nakaraang buwan dahil umano sa issue ng labelling.
Nagbunsod ito sa pagpataw ng summons with preventive measure order sa Ashitaba Tea o inalis muna sa merkado ang mga produktong sangkot sa complaint.
Sinabi ni Bantolo na ang SPMO ay ipinataw para na rin sa kapakanan ng consumers at habang dinidinig ang imbestigasyon sa kaso.