Wednesday, September 2, 2026

Naitalang kaso ng leptospirosis at dengue, bahagyang tumaas sa Maynila

Muling tumaas ang naitatalang kaso ng mga tinamaan ng leptospirosis sa lungsod ng Maynila.

Sa datos ng Manila Health Department (MHD), nadagdagan ng 52 residente ng Maynila ang tinamaan leptospirosis ngayong araw.

Dahil dito, umaabot na sa 642 ang naitalang kaso ng nasabing sakit mula Jan. 1 hanggang Sep. 2, 2026.

Nadagdagan naman ng 39 indibidwal na residente sa lungsod ang nadagdag sa bilang ng may dengue kung kaya’t nasa 2,586 ang kabuuang bilang nito.

Sa datos pa ng Manila Health Department (MHD), nasa 10 residente sa lungsod ang nadagdag sa bilang ng kaso ng Influenza-Like Illness (ILI) kung kaya’t nasa 1,231 na na Manileño ang nagkakasakit nito.

Payo pa ng Manila LGU sa mga lumusong sa baha na magpakonsulta muna bago uminom ng doxycycline upang malaman kung ilang beses ito maaaring inumin.

Paalala rin ng MHD sa lahat ma huwag nang hintayin na lumala ang sintomas kung saan maiging magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health facility kung may nararamdamang sakit.

Facebook Comments