NAKAMAMATAY DAW | 3 volume ng nakakakilabot na libro, nadiskubre sa Denmark

Denmark – Nadiskubre ngayon sa library ng University of Southern Denmark ang tatlong volume ng nakakakilabot na libro.

Ang nasabing mga libro na hindi pa din malaman ang titulo ay gawa noong 16th centuries kung saan ilan sa mga nakakahawak at nakakabasa nito ay namamatay.

Dahil dito, agad na isinailalim sa pag-aaral ang mga libro para malaman ang nasa likod ng misteryo nito maging ang mga manuscript na nakasulat dito.


Bagaman at hindi sigurado, hinala ng mga eksperto sa nasabing unibersidad na baka ang dahilan ng pagkamatay ng mga nakakahawak dito ay dahil sa substance na arsenic na isa sa mga pinaka-delikado sa buong mundo.

Marahil daw ay nalason ang mga tao na nagtangkang buksan ang mga libro pero hindi pa din malinaw kung bakit ang iba naman ay namamatay sa takot.

Facebook Comments