Kalibo, Aklan — Inaalam pa ng mga taga Bureau of Fire Protection Boracay ang dahilan ng nangyaring sunog kanina sa Sitio Ambulong, Brgy. Manocmanoc, Boracay.
Base sa inisyal na nakuha ng RMN Kalibo ay napansin ng ilang mga residente ang sunog bandang alas 8:30 ng umaga ag mabilis itong kumalat at lumaki kung saan umabot na rin sa halos sobra isang ektarya ang nasunog.
Nahirapan na makapasok ang mga bomber sa area dahil sa hilly portion ito makipot ang daan at residential area.
Ang ginawa na lang ng mga bombero at mga fire volunteers ay pinagdugtong dugtong ang kanilang fire hose para maka abot sa lugar na nasusunog pero bigo silang maapula agad dahil sa malakas ang hangin sa itaas at karamihan sa mga boarding houses ay gawa sa light sa materials.
Kasama ng mga taga BFP Boracay ay mga rescuer, volunteers at mga fire truck ng resorts na nag apula ng apoy pero sa latest na information na natanggap ng RMN Kalibo ay nag responde na rin ang fire truck ng Kalibo.
Sa ngayon ay hindi pa matukoy ng mga otoridad kung saan at kaninong bahay galing ang apoy kasama na rin kung may mga casualties sa nasabing sunog.
ccto
Nangyaringsunog sa isla ng Boracay, inaalam pa ang dahilan
Facebook Comments