NBI, posibleng magsampa ngayong araw ng hiwalay na kaso laban sa Kapa officials

1142

Posibleng magsampa ang NBI sa DOJ ngayong araw na ito ng hiwalay na kaso laban sa KAPA investment group.

 

Kasunod ito ng mga serye ng imbestigasyon ng NBI laban sa mga opisyal ng Kapa.


 

Ayon sa NBI, may mga kasapi na rin ng Kapa ang lumantad para magsampa ng kaso laban kay Kapa Founder Joel Apolinario.

 

Lumalabas din sa pagsisiyasat ng NBI na ang Kapa ay isang “criminal enterprise” at hindi religious sector.

 

Kahapon , nagsampa ng reklamo sa DOJ ang Securities and Exchange Commission laban sa grupo ni Apolinario.

 

 

Facebook Comments

From Advertisers