NANLABAN | 3 pinaniniwalaang miyembro ng gun running syndicate, patay matapos manlaban

34

Quezon City – Patay ang tatlong lalaki na pinaniniwalaang miyembro ng gun running syndicate matapos makabarilan ng mga pulis sa Cavite Street Barangay Bago Bantay, Quezon City.

Ayon kay QCPD Police Chief Supt. Joselito Esquivel, isang operatiba ng District Special Operations Unit ang nakabili sa mga suspek ng tatlong 12 gauge shotgun sa ikinasang buy-bust operation.

Pero nang aktong aarestuhin na aniya ang mga suspek ay agad na bumunot ng baril ang dalawa sa mga suspek dahilan para magpaputok ang mga operatiba.

Bukod sa mga shotgun, nakuha din sa mga suspek ang tatlong kalibre .45 na pistol at ang buy-bust money.

Facebook Comments