Laguna – Patay ang isang hinihinalang miyembro ng “pogi” criminal group sa Biñan, Laguna.
Sisilbihan lang sana ng search warrant ang suspek na si Rolando Bugarin nang bigla nitong paputukan ang mga pulis.
Gumanti naman ang mga otoridad na ikinasawi ng suspek.
Si Bugarin ay nasa drug watch list ng Biñan City Police.
Nakuha sa kanyang bahay ang isang baril, granada at ilang pakete ng shabu.
Facebook Comments