Nasirang Submersible pump ng MCWD di parin naayos

Hanggang sa ngayon ay hindi parin naayos ng metro cotabato water district ang nasira nilang isang submersible pump sa dimapatoy pumping station.
Ayon sa tagapagsalita ng MCWD nasi Maam Melinda Barcimo, hindi parin naipapadala ng supplier nila mula sa manila ang replacement ng nasirang submersible pump.
Posibleng sa ikatlong linggo pa daw ng buwan darating ang naturang pump, ngunit dahil sa lubhang kinakailangan na ay pinapamadali nila ang pagdeliver kasi nakakaranas parin ng mahina hanggang sa kawalan ng tubig ang ilang area ng cot.city.
Kabilang sa mga lugar na mahina ang tubig ay ang dapdap area, college area, sa don e. Sero, Super, mga barangay ng bagua, kalanganan at downtown area…Kayat humihingi ng despensa ang MCWD sa mga concessioners dahil sa nasabing suliranin…Mula pa noong January 3 at hanggang kahapon ay marami paring nagpaabot ng reklamo sa DXMY dahil walang tubig.

Facebook Comments