Natapyas sa presyo ng bigas mula nang ipatupad ang MSRP, nasa halos P20 na —Malacañang

Malaki na ang ibinaba sa presyo ng bigas sa merkado simula nang ipinatupad ang Maximum Suggested Retail Price nitong 2025.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, sa ngayon ay nasa P45 na lang ang presyo ng imported na bigas simula nitong March 31.

Sa datos naman ng Department of Agriculture (DA), nasa P19 na ang ibinawas sa presyo ng bigas mula nang ipatupad ang MSRP.


Malaking factor din aniya ang pagbaba ng presyo ng bigas sa pagbagal ng inflation nitong Pebrero sa 2.1 mula sa 2.9% noong Enero.

Tiniyak naman ni Castro na patuloy ang ginagawang hakbang ng pamahalaan para mapababa pa ang presyo ng bigas sa merkado.

Matatandaang ipinatupad ang MSRP matapos aprobahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagbaba ng rice tariff sa 15% mula sa dating 35% noong July 2024.

Nakatulong din daw sa pagbaba ng presyo ng bigas ang pagbabalik ng rice export mula India matapos ang isang taong moratorium.

Facebook Comments