
Pag-aaralan ni Senate Committee on Basic Education Chairman Sherwin Gatchalian ang isinusulong ng ilan na paglalagay ng mga CCTVs sa loob ng mga classroom.
Ito’y bunsod ng mga kaso ng bullying at mga karahasan na nangyayari sa loob ng mga silid-aralan.
Ayon kay Gatchalian, batid niyang hindi kaya ng mga guro na bantayan sa bawat oras ang kanilang mga mag-aaral kaya magandang ideya rin ang paglalagay ng mga CCTV.
Kabilang sa pag-aaralan ay ang pagpopondo ng Kongreso para sa paglalagay ng CCTV sa mga silid-aralan dahil maaari itong gamitin para mapigilan ang mga kaso ng bullying.
Mayroon naman aniyang mga paaralan ang may CCTVs sa mga classroom pero ito ay pili lamang at depende rin sa mga LGU.
Facebook Comments