Bentilasyon sa mga pantalan ngayong mainit ang panahon, sinuri ng PPA

Nagsagawa na ng maintenance checks ang Philippine Ports Authority (PPA) bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong bibiyahe sa mga pantalan ngayong Semana Santa.

Ayon sa PPA, kabilang sa kanilang isinagawa ang paghahanda ng standby generator sets para masigurong tuloy-tuloy ang supply ng kuryente at ang pag-check sa water system.

Bukod diyan, sinuri din ang bentilasyon lalo na ngayong nakararanas ng mainit na panahon ang bansa at may mga nakalatag na help desk sa mga major port para tugunan ang hinaing ng mga pasahero.

Sa unang 3 linggo ng Marso, nakapagtala ang PPA ng mahigit 3 million pasahero o average na mahigit 1 million pasahero kada linggo.

Ngayong Holy Week, nasa 1.7 million na pasahero ang inaasahang maglalayag sa mga pantalan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Facebook Comments