Mahigit P28-M halaga ng asukal tinangkang ipuslit sa Subic, nasabat ng BOC

Nasa mahigit P28.7-M halaga ng asukal na tinangkang ipuslit mula Vietnam ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Subic.

Ayon sa BOC, idineklarang “Sweet Mixed Powder” ang laman ng 14 na 20-foot container vans mula Dong Nai Province.

Pero nadiskubreng refined sugar ang karga nito matapos inspeksiyunin ng Customs.

Nahaharap ito sa iba’t ibang paglabag gaya ng Sugar Order No. 7 ng Sugar Regulatory Administration, Joint Memorandum Order No. 04-2002 ng SRA at BOC, Customs Modernization and Tariff Act at Anti-Agricultural Sabotage Act.

Sinabi ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio na bahagi ito ng kampanya nila para labanan ng agricultural smuggling at protektahan ang consumers, mga negosyo at ang lokal na agrikultura.

Facebook Comments