Kalibo, Aklan — Walang naiulat na mga election related incidents ang buong probinsya ng Aklan sa isinagawang National and Local Elections, Mayo 9. Ito ang kinumpirma ng Aklan Provincial Police Office hinggil sa kanilang assessment sa deployment ng mga otoridad sa 17 mga bayan sa Aklan. Maliban sa naitalang 25 na kaso ng gun ban at 6 na liquor ban violators na nasampahan na ngayon ng kaso sa korte, walang naitalang mga alarming incidents ang Aklan PNP. Ayon kay PCOL. Crisaleo Tolentino, Provincial Director ng APPO, ito ay bunsod na rin ng massive deployment ng mga kapulisan kung saan masobra 1,000 na mga tropa ang ipinakalat sa 17 bayan sa probinsya. Sa ngayon nanatili ang direktiba ni Tolentino sa mga kapulisan na naka high alert status parin sa posibleng pagkakaroon ng tensiyon sa post-election lalo na sa mga hindi pinalad na mga kandidato.
Facebook Comments