
Limang araw matapos yanigin ng magnitude 7.7 na lindol ang Thailand at Myanmar, inilunsad ng Office of Civil Defense (OCD) ang National Disaster Response Plan (NDRP) 2024.
Layon nito ang mas mabilis na tugon sa mga sakuna at mabawasan ang pinsala sa gitna ng lumalalang banta ng climate change.
Ayon sa OCD, katuwang nila ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagbubuo ng planong ito, na magsisilbing framework ng disaster management sa bansa.
Tampok sa programa ang Multi-Hazard Approach na nakatutok sa paghahanda sa lindol, bagyo, tsunami, at maging mga insidenteng may kinalaman sa terorismo.
Mas pinatibay rin ang koordinasyon sa pagitan ng gobyerno, civil society, at pribadong sektor gamit ang makabagong teknolohiya.
Sa pamamagitan nito, makaliligtas ng mas maraming buhay at mas mapapabilis ang pag-abot ng ayuda sa panahon ng sakuna.