
Inanunsiyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes na pansamantalang papayagang dumaan sa EDSA ang provincial buses simula April 9, 10:00 PM hanggang 5:00 AM.
Ito ay bilang paghahanda sa Semana Santa kung saan inaasahan ang malaking volume ng mga pasahero.
Simula April 16 hanggang April 20, buong araw naman na papayagan dumaan sa EDSA ang provincial buses.
Kung galing sa bahagi ng Timog ang provincial buses ay hanggang sa Pasay City lamang sila makadadaan.
Facebook Comments