
Nagpaalala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na hanggang bukas, April 5 na lamang tatanggap ang mga embahada ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa ng aplikasyon para sa accreditation ng Mass Media Entities, Election Observers o Monitors at Civil Society Partners para sa overseas voting sa 2025 National Elections.
Ang kailangan lamang gawin ay personal na magpasa ng aplikasyon sa mga embahada o ‘di kaya ay magpadala sa email.
Sa April 13 naman magsisimula ang online voting ng mga rehistradong Pilipino sa abroad.
Tatagal ang online overseas voting sa May 12 o mismong araw ng halalan sa Pilipinas.
Facebook Comments