National week of prayer sa harap ng nararanasang krisis dulot ng COVID-19, suportado ng PNP

Nagpahayag ng suporta ang Philippine National Police (PNP) sa proklamasyon ng National Week of Prayer.

Ayon kay PNP Chief General Archie Gamboa, bilang mga  frontliner sa paglaban sa COVID-19,nakikiisa ang mahigit 200,000 mga pulis kasama ang kanilang pamilya sa National Week of Prayer na gagawin sa ika-apat na Linggo ng Marso.

Hinihikayat rin ni Gamboa ang publiko na sumama sa panalangin para sa kalakasan ng katawan at kaligtasan ng mga frontliner na lumalaban sa sakit.


Kasama rin sa kanilang ipapanalangin ang kooperasyon ng bawat Pilipino na sumunod sa protocol ng community quarantine at social distancing.

Sa pinakahuling tala mula sa Department of Health (DOH) ay umabot na sa 552 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 at 35 na ang namatay.

Facebook Comments