Saturday, June 13, 2026

Pamilya ng dalawang atleta ng Ateneo na nasawi, bigyan ng privacy ayon sa isang senador

Hiniling ni Senator Risa Hontiveros na bigyan ng privacy ang pamilya ng dalawang atleta ng Ateneo na nasawi sa off-campus activity sa Dipaculao, Aurora.

Apela ni Hontiveros sa publiko, irespeto ang naiwang ala-ala nina Rene Clert Baterbonia at Divine Adili.

Sinabi ng senadora na bigyan ng dignidad at privacy ang kanilang pamilya habang sila ay nagluluksa sa pagkawala ng mga mahal sa buhay.

Dagdag ni Hontiveros na maagang nabyuda, batid niya ang sakit na dinaranas ng pamilya nina Rene at Divine kaya alam din niyang hindi sapat ang pakikiramay.

Nagpaabot naman ang mambabatas sa pamilya na bukas ang kanyang opisina at handang magbigay ng tulong sa mga ito.

Umaasa rin si Hontiveros na mailalabas ang katotohanan tungkol sa pangyayari na humantong sa trahedya ng pagkamatay ng dalawang atleta.

Facebook Comments