Saturday, June 13, 2026

Pondo ng COMELEC para sa special elections sa Cavite, tiniyak ng Malacañang

Tiniyak ng Malacañang na may sapat na pondo ang Commission on Elections (COMELEC) para maisagawa ang nakatakdang special elections sa ika-4 na Distrito ng Cavite, matapos mapatalsik sa Kamara si dating Congressman Kiko Barzaga dahil sa disorderly behavior at conduct unbecoming of a House member.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, nakipag-ugnayan na sila sa Department of Budget and Management (DBM) at kinumpirma ng ahensya na may magagamit na pondo ang COMELEC para rito.

Sinabi ni Castro na sapat ang kasalukuyang budget ng poll body para matugunan ang mga pangangailangan sa special elections, kaya hindi na kinakailangan ang dagdag na alokasyon mula sa pamahalaan.

Target ng COMELEC na idaos ang special elections sa Agosto 29, 2026 para punan ang nabakanteng puwesto sa ika-4 na Distrito ng Cavite.

Facebook Comments