NBA | Kawhi Leonard, ipinamigay na ng San Antonio Spurs sa Toronto Raptors kapalit ni Demar Derozan

NBA – Ipinamigay na ng San Antonio Spurs ang kanilang player na si Kawhi Leonard sa Toronto Raptors kapalit ni Demar Derozan.

Kasama ni Leonard sa trade ang guard na si Danny Green kung saan bukod kay Derozan, makukuha din ng Spurs sina Jakob Poeltl at isang first-round pick sa 2019.

Dahil dito, posibleng alukin ng Raptors si Leonard ng five-year, $190 million contract habang puwede raw pumirma sa four-year deal na may $141 million na salary si Derozan.


Nanghihinayang naman si Spurs coach Gregg Popovich dahil nakasama sa trade si Green na malaki ang naitulong sa naging kampaniya nila noong nakaraang season.

Facebook Comments