NBA – Portland Traiblazers, nakalusot sa OKC Thunder

20

NBA – Umiskor si CJ McCollum ng 34 points para pangunahan ang Portland Trailblazers kontra Oklahoma City Thunder, 108-105.

May 24 points naman si Damian Lillard para sa Blazers na may dalawang larong abante para sa third seed sa Western Conference play-off rankings.

Sa panalo may 44-28 na win loss slate ang Portland.

Sa ibang laro, nagwagi rin ang Indiana Pacers 113-107 laban sa Miami Heat.

Namayani rin ang Milwaukee Bucks sa San Antonio Spurs, 106-103.

Hindi naman umubra ang Sacramento Kings sa Boston Celtics, 104-93.

Facebook Comments