NBI, nahihirapan na maka-access sa grupong may hawak sa taxi driver na sinasabing hinoldap ni Carl Arnaiz

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na nahihirapan ang NBI na maka-access sa grupong Rise Up na may hawak kay Tomas Bagcal, ang taxi driver na sinasabing hinoldap ni Carl Angelo Arnaiz.

Bunga nito, lalong nagduda si Aguirre lalo nat napansin niya aniya na kapag tinatanong ng media si Bagcal ay tumitingin muna ito sa handler niya bago sumagot.

Maituturing din aniya itong obstruction sa ginagawang imbestigasyon ng NBI.


Sinabi ni Aguirre na halata rin aniya na intensyon ng Rise Up na i-antala ang imbestigasyon sa kaso ng pagpatay kay Carl dahil September 4 pa nasa kustodiya ng grupo si Bagcal.

Sa kabila nito, nanindigan si Aguirre na handa ang Justice Dept. na bigyan ng proteksyon si Bagcal kapag lumapit ito sa kanila.

Facebook Comments