Cauayan City, Isabela- Pinuna ni National Commission on Indigenous Peoples ( NCIP) Cordillera Regional Director Atty. Marlon Bosantog ang maling learning modules patungkol sa mga katutubong Igorot na inilabas umano ng Department of Education at pinagpiyestahan sa social media.
Sa panayam ng iFM Cauayan kay Atty. Bosantog, ang tugon aniya ng DepED Central Office ang bumuo ng resolusyon sa pagitan ng NCIP para maitama ang ilang impormasyon tungkol sa mga katutubong Igorot.
Ayon pa sa opisyal, hindi sila magiging negatibo sa isyu matapos kumalat ang impormasyong ito sa social media dahil hindi naman aniya lahat ng mga nag-akda ng nasabing module ay kapareho ng kanilang kinagisnang tribu.
Gagamitin aniya ito bilang ‘misconception’ o para maiba ang maling kuro-kuro ng ilang indibidwal sa mga kasapi ng Indigenous People (IP).
Una nang naghain ng resolusyon sa kongreso ang ilang mambabatas para kondenahin ang maling paghahalimbawa sa mga katutubong grupo gaya ng Igorot at upang mabigyan ng kaalaman ang DepED sa tamang nailalathala sa module patungkol sa mga katutubo.
Giit pa ni Bosantol, may pananagutan ang publisher at sa mga gumawa ng module dahil labag aniya ito sa IPRA Law o ‘The Indigenous Peoples Rights Act of 1997’.