NCRPO, may babala sa mga computer shops

Nagbabala ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa may-ari ng mga computer shop at ibang establisimiyento.

Ito ay matapos mahuli ang isang 12 senior high students na naglalaro ng online games at gumagamit ng social media habang oras ng klase.

Ayon kay NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar, ipapasara ang mga computer shop at ilang establisimiyento na papayag sa mga estudyante na maglaro ng online games sa oras ng klase.


Aniya, bibigyan ng proper documentation ang computer shop at ire-report ang insidente sa Local Government Unit (LGU).

Sa inilabas na Department of Education (DepEd) Order 86, Series of 2010, bawal ang mga estudyante sa pampubliko at private elementary at secondary schools na pumunta sa mga computer shop, mall at sinehan sa oras ng klase.

Facebook Comments