Netizens, napa-wow sa bagong hairstyle ni Julia Barreto

Napa-wow ang mga netizens sa bagong hairstyle na ipinakita sa social media ng aktres na si Julia Barreto.

Sa Instagram post, lalong lumutang ang ganda ni Julia sa dark blonde hair with full bangs.

Agad namang nag-react ang mga fans ng aktres.


Say ng isang netizen, “Bagay sayo ang may bangs”.

Komento pa ng isa, “I love your hair”.

Una nang ipinakita ni Julia ang kaniyang new hairstyle sa special screening ng kaniyang bagong horror movie na kasama ang aktor na si Xiam Lim.

Facebook Comments