GSIS Touch App, ilulunsad ng GSIS

Maglulunsad ang Government Service Insurance System (GSIS) ng GSIS touch, isang mobile application na magbibigay ng instant access sa GSIS records ng mga miyembro at pensioner nito.

Sa pamamagitan ng GSIS touch, makikita ng mga aktibong miyembro ang tentative computation ng kanilang loan at benepisyo; membership at insurance policy records; premium remittances at loan payments; at dibidendo.

Mayroon ding fingerprint at facial image sensor ang naturang application para sa mga gagamit ng smartphones.


Maliban dito, may access din ang GSIS touch sa online guide to transactions and processes (GTAP).

Ang GTAP ay ang kauna-unahang electronic citizen’s charter ng pamahalaan.

Facebook Comments