NILINAW | Elmo Magalona, klinaro na hindi binuwag ang tambalan nila ni Janella

Manila, Philippines – Pinabulaan ni Elmo Magalona ang mga balitang, binuwag na ang tambalan nila ng young actress na si Janella Salvador o kung tawagin ay ElNella.

Sa isang TV guesting ni Elmo, itinanggi nito ang breakup ng kanilang love team ni Janella.

Sa katunayan aniya, ay habang shino-shoot ang pelikula niyang ‘Walwal’ ay nagpunta si Janella sa kanilang set para dalhan siya ng pagkain.


Nang tanungin kung ano nga ba sa kaniya si Janella, say ni Elmo, “She’s more than a friend.”

Facebook Comments