NILINAW | SAP Bong Go, Walang sinabing magsaksakan sila ng ballpen ni Trillanes

Manila, Philippines – Nililinaw ngayon ni Special Assistant to the President Sec. Christopher Bong Go na wala siyang sinasabing magsaksakan sila ng ballpen ni Senador Antonio Trillanes.

ANG pahayag na ito ni Sec. Bong Go ay ginawa kasunod ng naglabasang balita na sa ballpen umano niya sinabing daanin ang una na niyang hamon na one on one.

Sa kanyang pagdalo dito sa ika-30 taong anibersayo ng Agrarian Reform sa bansa, sinabi ni go na malinaw sa kanyang pahayag sa isang event sa Davao nitong weekend na puro dada lamang si Trillanes, at puro ballpen ang hanap niya dahil sa paggigiit nito ng waiver.


Malinaw aniya sa bahagi ng kanyang pahayag sa media na walang ganitong paghahamon at habang sinasabi niya ito ay nagkataong mayroon siyang hawak na ballpen.

Punong-puno ng mga empleyado ng DAR at ilang mga Agrarian Reform beneficiaries itong covered court dito sa DAR at mainit ang pagtanggap ng mga magsasaka at empleyado ang pagdating ni Sec. Go na siyang panauhing pandangal.

Kabilang din sa mga dumadalo sa event. Na ito sina Vice Mayor Joy Belmonte, actor Philip Salvador, Rommel Padilla, Usec. Joel Egco, Usec. Martin diño

Facebook Comments